Ni Estong Reyes
SINUPORTAHAN ni Senador Jinggoy Estrada ang pagpuna ni dating Senate president Franklin Drilon sa kawalan ng kagandahang-asal ng ilang miyembro ng Senado tuwing may sesyon.
Sa pahayag, sinabi ni Estrada na dapat ayusin ni Senate President Juan Miguel Zubiri at Majority Leader Joel Villanueva ang kinukuwestiyon na kawalan ng decorum ng ilang mambabatas.
Bilang nagsilbi bilang Senate president pro-termpor ng anim na taon at naging presiding officer sa maraming sesyon, sinabi ni Estrada na kanyang kinikilala ang kahalagahan ng pananatili ng propesyunalismo at respectful conduct sa pinahahalagahang institusiyon.
Nagsilbi si Estrada bilang Senate Pro Tempore mula 2007 hanggang 2013 noong 14th and 15th Congress.
“I have, as the presiding officer, handled instances where emotions run high during debates and we, officers of the Senate intervene to restore order and ensure that proceedings continue respectfully and productively,” ayon kay Estrada sa statement.
“I believe there are steps we can take to address these concerns and uphold the integrity of the Senate,” giit niya.
Ipinunto din ni Estrada na may umiiral na ilang probisyon sa Senate Rules na namamahala sa unparliamentary acts at lenguwahe sa sinumang miyembro ng Senado.
Aniya, puwedeng punahin ang sinumang senador na umayos kapag nalalabag na nito ang Senate Rules.
“The current Senate is composed of individuals with diverse backgrounds, ideologies, and experiences. It is crucial to understand that the dynamics within the Senate reflect the diverse backgrounds and convictions of its members,” aniya.
“Each member should take responsibility for their words and actions, taking into consideration the impact they have on the Senate’s reputation and public trust. We, Senators, should strive to be role models of professionalism, and set an example for our colleagues and future generations of legislators,” dagdag ng senador.
“Addressing the criticisms of a lack of decorum within the Senate requires a collective effort from the leadership and individual senators,” giit pa niya.
Kinikilala din ni Estrada ang constructive feedback bilang mahalagang bahagi ng proseso ng demokrasya at kawalan ng kagandahang-asal sa ating Kapulungan na naging sanhi ng pag-aalala.
“As public servants entrusted with the responsibility of representing our constituents, we must demonstrate the values we hold dear,” giit niya.
Kamakailan, pinuna ni Drilon saka pinagsabihan si Zubiri na tugunan ang kawalan ng sapat na decorum tuwing may sesyon at committee hearing.
Sinabi ng dating senate president na nakasalalay sa liderato ng Senado ang pagpapanatili ng prestihiyo at kredibilidad ng Senado.
“Because if not, if you weaken the Senate, the executive branch would run roughshod over the Senate,” babala ni Drilon.