WALANG kapangyarihan ang sinuman nasa poder isugal ang kinokolektang pondo mula sa buwanang butaw ng miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) nang walang pagsang-ayon ng basbas ng board of directors.
Sa isang kalatas, pinatawan ng six-month preventive suspension ng Office of the Ombudsman si GSIS President at General Manager Joe Arnulfo Veloso, kaugnay ng umano’y iregular na P1.44-bilyong investment ng pension fund sa Alternergy, isang renewable energy firm na pag-aari ni dating Energy Secretary Vince Perez.
Ayon sa Ombudsman, inaprubahan ni Veloso ang pamumuhunan ng GSIS nang walang pagsang-ayon mula sa GSIS Board.
Katwiran naman ni Veloso, may panuntunan na hindi kailangan ng board approval para sa mga investment na mas mababa sa P1.5 bilyon.
Bukod sa Alternergy, nagpasok din ng P1.46-bilyon ang GSIS chief saa Nickel Asia. (LILY REYES)
