WALANG kinalaman at wala rin planong makisawsaw ng Palasyo sa usapin ng voting threshold na kailangan ngt Senate impeachment court para tuluyang sipain sa pwesto si Vice President Sara Duterte. Sa press briefing sa Malacanang, partikular na tinukoy ni Palace Press Officer Claire Castro ang pagharap ng mga retiradong mahistrado para magbigay linaw sa 16-voting threshold na nakasaad sa 1987 Constitution. “Sa parte po ng administrasyon, sa parte po ng Pangulo, hindi po kami magbibigay ng anumang opinyon, ng anumang judgement tungkol diyan,” wika ni Castro. Para sa tagapagsalita ng Palasyo, mas angkop ipaubaya sa Senado ang desisyon sa nasabing usapin. “Ang kailangan lamang po dito ay manaig ang hustisya at ang lahat ng serbisyong ginagawa naman natin ay para sa taumbayan, so doon lang po. But kung ano po ang magiging threshold, hindi po makikialam ang Pangulo diyan,” dugtong ng Palace official. Sa ika-26 araw ng impeachment trial, nanindigan sina retired Supreme Court Chief Justices Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban at Reynato Puno na hindi awtomatikong 16 boto ang kailangan para maglabas ng hatol laban sa isang impeachable official. Subalit iba ang posisyon ni retired Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna. Aniya, kabuuang bilang ng mga halal na senador ang dapat gamiting batayan sa “ two-thirds” na boto. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Villar: Ligtas na bakasyon kasado sa Child Tourist Safety Act DOE: Mas mahabang krisis sa supply ng langis asahan