
ANG batas para sa lahat, walang sinisino kahit pa ang pinakamataas ng lider ng bansa.
Ito ang buod ng mensahe ng mga miyembro ng Kamara kasunod ng hakbang ng International Criminal Court (ICC) na dakpin si former President Rodrigo Duterte sa madugong kampanya laban sa kalakalan ng droga.
Partikular na tinukoy ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ng Pampanga at House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union pagpapasailalim sa kustodiya ng law enforcement authorities kay Duterte.
“The arrest of former President Duterte is a decisive step toward justice,” ani Gonzales.
“This proves that the international community will not tolerate crimes against humanity, and those responsible for extrajudicial killings must answer for their actions,” dagdag pa niya.
Sa panig ni Ortega, binigyang-diin na walang sinuman — kahit isang mataas na opisyal, ang maaaring umiwas sa hustisya dahil lamang sa kanilang posisyon.
“Justice has no expiration date. The thousands of lives lost in the bloody war on drugs deserve to be remembered, and the arrest of the former President is a testament that impunity will never be permanent,” ani Ortega.
Samantala, hinimok naman ni Gonzales si Duterte at ang mga kaalyado na itigil ang pagsasabing politically-motivated ang pag-aresto.
“The ICC operates based on evidence, not politics. This is not about partisanship — this is about justice, accountability, and upholding human rights,” giit ni Gonzales.
“The Filipino people and the world demand answers, and Duterte must face the consequences of his actions,” dagdag pa niya.
“This is a clear message that no leader can escape justice forever. The rule of law must prevail, and the Philippine government should respect international accountability mechanisms instead of protecting those accused of grave human rights violations,” aniya.
Maging si Ortega ay nanawagan sa kampo ng Duterte na itigil ang pagbibigay ng palusot at harapin na lamang ang mga kinakaharap na kaso.
“Instead of playing the victim, former President Duterte should answer for his actions. The families of the victims deserve justice, and this is just the beginning,” ani Ortega. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)