KUMPYANSA ang Kamara sa maingat na pakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Egyptian counterpart, gayundin sa iba’t-ibang international organizations sa hangaring tiyakin makakalusot lahat ng naipit na Pinoy sa binuksan Rafah border.
Kinilala rin ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN partylist Rep. Ron Salo ang ambag ng mga international organizations na nagbigay-daan para mabuksan ang Egypt-Gaza border na nagsisilbing daan palabas ng mga inoy na nais makaiwas sa nakaambang peligrong dala ng giyera.
“We commend international organizations and great powers for the opening of the Egypt-Gaza border, a beacon of hope for the people trapped inside Gaza. This move offers a glimmer of relief, alleviating their suffering during these dire times,” pahayag ni Salo sa katuparan ng panawagan kaugnay sa madugong Israel-Hamas conflict.
“It is crucial to seize this opportunity for the safe exit of Filipinos. It is imperative that we ensure Filipinos won’t be left behind when other nationalities are allowed to exit. Every effort must be made to bring our countrymen home swiftly and securely,” giit pa ng House panel head sa DFA at iba pang government agencies na inatasang tumutok sa repatriation ng mga Pilipinong naiipit sa retaliatory actions ng Israel Defense Forces (IDF) sa Gaza matapos ang madugong pag-atake ng Hamas terrorists.
Hiling pa ni Salo, tiyakin may maayos at regular na komunikasyon sa pagitan ng DFA at overseas Filipino para sa matagumpay na repatriation effort.
“We have to assure our fellow countrymen that their government is working relentlessly to guarantee their safety and well-being. Let us stand united, ensuring that no Filipino is left behind, and reaffirm our commitment to their welfare during this critical period,” aniya pa.
Base sa pinakahuling ulat, nagawa nang makatawid sa nasabing border ang humanitarian aid para sa mga mamamayan ng Gaza, na sa loob ng nakaraang 15 araw ay nakatikim ng ganti ng Israel military sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na air strikes sa mga lugar na pinaniniwalaang kuta ng teroristang Hamas.
Hindi bababa sa 20 trucks mula sa Egyptian Red Crescent, na mga lulang pagkain at gamot mula sa iba’t-ibang sangay ng United Nations (UN) ang unang pinayagang makapasok sa Gaza habang mayroong pang mahigit sa 200 cargo vehicles, na naglalaman din ng humanitarian packages, ang nakaabang sa bungad ng Rafah border sa bahagi ng Egyptian terminal.