
Ni Estong Reyes
MULING kinondena ng ilang lider ng Senado ang patuloy na pambobomba ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barkong pag-aari ng Pilipinas, partikular ang research vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasagawa ng pagsusuri sa karagatan ng Scarborough Shoal na pawang teritoryo ng Pilipinas.
Nanguna sa pagkondena sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Majority Leader Joel Villanueva at Senador Jinggoy Estrada, chairman ng Senate committee on national defense and security.
“I strongly condemn the latest attack of Chinese ships on Philippine government vessels in the West Philippine Sea,” ayon kay Zubiri.
Sinabi ni Zubiri na binomba ng tubig ang barkong ginagamit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources habang naghahatid ng supplies sa mangingisdang Filipino malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
“This time, China not only caused us great damage to property but they also put Filipino lives at risk,” giit ni Zubiri.
“This was a humanitarian mission, and still China chose to attack them.
THEY HAVE NO HEART,” giit ni Zubiri.
Aniya, lubha nang sumosobra ang pambubully ng China sa atin sa paglalayag sa loob ng ating karagatan ngayon, sinira pa nila ang ating barko at nalagay sa panganib ang buhay ng ating mamamayan.
“I urge President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. to send the current Chinese Ambassador home. He has done nothing to address the continued attacks of his government on our troops and on our people,” ayon kay Zubiri.
“Again, I salute the brave men and women of the BFAR, our Coast Guard and our Navy for standing up to the bullying of China. May you be steadfast in upholding the integrity of our territory and our exclusive economic zone,” giit ng lider ng senado.
Sa kanyang bahagi, sinabi naman ni Villanueva na maaaring hinaharap ng Pilipinas ang isang higante sa West Philippine Sea, subalit dapat din nating tandaan na si David ay nanalo laban kay Goliath.
“Hindi kailanman lakas ang basehan ng karapatan. Walang karapatan ang China na magpaputok ng mga water cannon sa ating mga sasakyang pandagat, gumawa ng mapanganib na mga maniobra, o harangin ang mga humanitarian mission ng bansa,” ayon kay Villanueva.
Aniya, dapat sumunod ang China sa mga batas internasyonal sa ilalim ng UNCLOS, at dapat itigil na nito ang ilegal na pagpasok sa mga Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
“Kahit gaano pa karaming armas o kalaki ang mga barkong iharang ng China, hindi magbabago ang katotohanan na ang pilit nilang inaagaw na teritoryo ay sa Pilipino,” paliwanag ng senador.
Kasabay nito, matinding hiniling din ni Estrada sa China na igalang ang international law, itigil ang panghihimasok at panggigipit na makakasagabal at makakaapekto sa kapayapaan at seguridad ng rehiyon.
“The Philippines has consistently advocated for peaceful and diplomatic solutions to disputes, and we call on all parties involved to engage in meaningful dialogue to address the root causes of these incidents. We must pursue avenues that promote cooperation, understanding, and respect for each other’s rights in the pursuit of a stable and secure region,” ayon kay Estrada.
Sinabi ni Estrada na hindi dapat nangyayari ang mga aksyon ng China Coast Guard (CCG) na pawang malinaw na paglabag sa karapatang pantao, batas ng karagatan at nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa soberenya ng Pilipinas.