SA nakalipas na apat na taon, lalong lumalala ang problema sa kawalan ng trabaho sa bansa.
Base sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na sa 2.5 milyong Pilipino ang pasok sa kategorya ng “unemployed” para sa buwan ng Mayo.
Sa pagtataya ng PSA, lumalabas na umabot na sa 4.8 percent ang unemployment rate sa bansa — batay sa 52.3 million labor force na binubuo ng mga Pinoy na edad 15-anyos pataas.
Buwan ng Abril nang makapagtala ng 4.7 percent unemployment rate (katumbas ng 2.41 milyon) ang ahensya.
