HINDI bababa sa P1.314 trilyon ang target ilaan ng administrasyong Marcos sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng panukalang P7.2 trilyon national budget para sa susunod na taon.
Batay sa 2027 National Expenditure Program (NEP), kabilang sa isusulong ang P976 bilyon para sa Department of Education (DepEd).
Kabilang rin sa pinaglalaanan ng pondo ang Gagamitin din umano ang pondo ay ang school feeding, pagtatayo ng mga silid-aralan, pagsasanay ng mga guro, digital learning, scholarship, at mental health services.
Pasok din sa mga pinaglaanan ang Universal Access to Quality Tertiary Education Program na tatanggap ng P61 bilyon para sa higher education, habang P1.6 bilyon naman ang para sa Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program.
