![](https://saksipinas.com/wp-content/uploads/2023/09/teacher1221.webp)
MATAPOS ang dalawang taon, inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11.6 billion para sa 2021 performance-based bonus ng 920,073 kawani ng public schools sa buong bansa.
Sa pahayag, sinabi ng DBM na isinumite ng Department of Education ang final evaluation at assessment documents sa DBM mula Abril hanggang Agosto 2023.
“This could be attributed to the strikingly high number of eligible personnel at around 900,000 employees in the DepEd, and the voluminous documents being submitted for the purpose,” ayon sa DBM.
Samantala, sinabi ng DBM na isinauli nila ang documentary requirements para sa mga bonus ng non-teaching personnel dahil sa discrepancies tulad ng duplicate entries, maling impormasyon habang ang iba ay hindi nakalista sa ilalim ng Personnel Services Itemization and Plantilla of Personnel ng DepEd.
Nangako ang DBM na ipoproseso nila ang mga nakalap na dokumento sakaling muling suriin ang listahan.