PARA sa isang kongresistang higit na kilala sa larangan ng pananampalataya, hindi lamang ang umiiral na 1987 Constitution ang nilalabag ng K-10 Basic Education Curriculum na binalangkas ng Department of Education (DepEd) – kundi maging ang aral ng Panginoon.
Partikular na binatikos ni CIBAC partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva ang ‘gender fluidity, same sex union at same sex marriage’ na nakapaloob sa narepasong sipili ng K-10 Basic Education Curriculum ng DepEd.
“We are shocked to discover that the promotion of gender ideology, same sex union and same-sex marriage is slowly creeping under our nose into the very curriculum of our basic education! What is more worrying is the slant towards promoting and condoning such practices in the minds of our young students,” ani Villanueva.
“Not only is this anti-God, but also clearly unconstitutional!,” dagdag pa ng kongresista, kasabay ng pagtukoy sa Section 13 ng Saligang Batas kung saan isinusulong ng estado ang ‘moral’ at ‘spiritual being’ ng mga kabataan.
Hindi rin ikinalugod ng kinikilalang lider ng Jesus is Lord religious group ang paggamit ng DepEd sa social media para humikayat ng suporta sa isinusulong na rebisyon sa Grade 10 Araling Panlipunan kung saan ibinabalandra sa mga estudyante ang benepisyo ng same sex union.
“Though this is still a draft and, hopefully, will still undergo revisions, it is just very disturbing that there are proponents of gender ideology inside DepEd that inject this advocacy to the education of our youth. I am calling all stakeholders to be more vigilant on this issue because this is a primordial concern that will shape the moral fiber of our youth.”