MULING binuhay ni Senador Alan Peter Cayetano ang debate hinggil sa K to 12 program, kasabay ng panawagan sa mga kapwa mambabatas na maglabas ng posisyon kung popondohan ang programa o tuluyan nang ibabasura.
Sa isang plenary session, iginiit ni Cayetano na sa isang dekada ng implementasyon ng K to 12 ay lalo lamang lumala ang krisis sa edukasyon. Imbes aniyang paluwagin nito ang mga klase ay nagkukumpulan ang mga mag-aaral sa mga silid-aralan na kulang pa sa kagamitan.
“The promise in K to 12, even in first year high school, junior high school, there’s already a track… Another promise is that for the General Education (GE) subjects, we’ll transfer that to high school so that the colleges are promised to be cut to three years,” wika ng senador nitong July 30, 2025.
“That is why I think the task of the 20th Congress is really the radical change that is needed in the education sector. Let’s make the hard decisions and put our money where our mouth is,” dagdag niya.
Mula nang ipinanukala ang K to 12 noong 2013, nagbabala na si Cayetano na hindi magiging matagumpay ang programa kung hindi matutugunan ang kakulangan ng mga guro, pasilidad, at pondo.
“The question is: would we rather have just grades 1-6 and years 1-4 for high school with all facilities complete or two more years with inadequate facilities? Adding two more years would further add to this burden and could trigger an increase in the number of dropouts,” wika ni Cayetano noong 2012 nang pinag-dedebatehan ang programa kasama ang yumaong senador na si Senador Edgardo Angara.
Ngayong nananatiling kulelat ang bansa kumpara sa karatig-bansa, napatunayan ni Cayetano na hindi magkakaroon ng malakasang epekto ang pinalawig na curriculum.
Mungkahi ni Cayetano, taunang pamumuhunan na P200 billion hanggang P500 billion —na aniya’y maliit kumpara sa P1-trilyong budget ng Department of Public Works and Highways — upang matupad hindi lamang ang mga pangako ng K to 12 kundi malutas din ang mga sistemikong problema sa basic education.
“The Department of Public Works and Highway’s budget is P1 trillion. Do you want to end the lack of classrooms in a year? If per classroom costs P1 million, that accounts to only P165 billion — almost half or two-thirds of the DPWH budget,” wika ni Cayetano.
Mga reaksyon ng mga magulang
Pinag-usapan sa comment section ng naka-livestream na session ang isyu, kung saan nagpahayag ang ilang magulang ng kanilang hinaing sa nabigong programa sa K to 12/ .
“I agree with you Senator Cayetano. Sana po masolusyunan na ang grade 11 and 12 matanggal na. Dagdag gastos lang ito sa part ng mga magulang po,” komento ng isa.
Sabi ng isang netizen, “Ang kulang sa atin ay ang facilities for specialized sa skills na i-develop nila. Dapat suportahan po ang school diyan.”
May ilan din na nais ibalik ang lumang curriculum.
“Taasan ang sahod ng public school teachers at additional classroom nila. Dapat 40 students lang per room.”
Dagdag pa ng isa, “Tanggalin niyo na ang K to 12 at ibalik sa dating pamamaraan.”
Sumasalamin naman ang mga sumusunod na komentong sa mga isyung obserbasyon ni Cayetano — bigo ang K to 12 na nagsisilbing dagdag pasanin lang pasanin sa mga mag-aaral.
“The solution is there but we have to be radical,” udyok ng senador sa kanyang mga kabaro. (ESTONG REYES)
