MULING ginulantang ng isang “moderalu explosive eruption” ang mga residente sa paligid ng Bulkang Kanlaon Negros.
Sa datos na ibinahagi ng Philippine Institute Volcanology and Seismology (Phivolcs) tumagal ng tatlong minuto ang pagsabog na naganap dakong alas 7:33 kaninang umaga.
Ayon sa Phivolcs, bumuga ang bulkan ng ash plume na umabot sa dalawang hanggang tatlong kilometro ang taas bago pa man tuluyang itinulak ng hangin sa direksyon ng silangan.
Naitala rin ang pyroclastic density currents (PDCs) na bumaba sa timog-silangang bahagi ng bulkan isang kilometro mula sa bunganga.
Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.
