
Murder in broad daylight – the body of Eric Estrada, an alleged drug pusher lies along a busy street at Mayombo in Dagupan City morning early Thursday. Initial reports say unidentified assailants riding in a motorcycle shot Estrada in broad daylight. Six (6) empty bullet shells of still unknown caliber were recovered at the crime scene. Police said Estrada was listed in the BADAC drug watch list. October 6, 2016 / PHOTO/JOJO RIÑOZA/MB
HINDI na umabot pang buhay sa pagamutan ang 42-anyos na driver matapos paulit-ulit na barilin ng isang pulis na nakagitgitan sa Barangay Old Balara sa Quezon City. Nasa kritikal na kondisyon naman ang 51-anyos na katabi ng driver.
Kwento ng mga saksi, nagkagitgitan sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue ang pickup truck na minamaneho ng biktima at ang closed van na minamaneho naman umano ng hindi pinangalanang pulis.
Batay sa salaysay ng isa sa limang sakay ng pick-up truck, pauwi na sana sila sa Marilao, Bulacan pagkatapos magdeliver sa Antipolo City.
Habang binabagtas umano ang kahabaan ng Tandang Sora Avenue, nang banggain ng kulay puting van ang likurang bahagi ng pick-up – na dahilan para magkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang suspek.
“Nagkagitgitan po. Una po kasi kami pumasok sa lane. Tapos ginitgit po kami… nagalit ang driver namin kaya ginitgit din niya. Tapos umabante kami ng konti, tapos hinarang na po kami ng puting sasakyan.”
“Bumaba po iyong driver. Sinuntok niya po iyong driver namin. May dala na po siya ng baril sabay putok. Inubos niya po lahat ng bala,” dagdag niya.
Agad naman sumuko ang suspek na kalaunan ay napag-alamang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District Station 6.
Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang pitong basyo ng bala sa lugar na pinangyarihan. (LILY REYES)