
WALA ng buhay nang matagpuan ng lupong pamatay-sunog ang dalawang bata, matapos lamunin ng apoy ang isang komunidad sa likod ng PUP-College of Communications building sa kahabaan ng Kalye Anonas sa Sta. Mesa, Maynila.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 100 pamilya rin ang nawalan ng tahanan bunsod ng naturang insidente.
Ayon sa mga residente, mabilis na kumalat ang sunog matapos magliyab ang aircon sa isa sa mga bahay sa naturang komunidad. Gayunpaman, nilinaw ng BFP na patuloy pa ang imbestigasyon.
Ang malinaw lang anang BFP, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.