ISANG Chinese at bumisitang kaibigan ang namatay makaraang maipit sa nasusunog na bahay sa Barangay Greater Fairview, Quezon City, Miyerkules ng madaling araw.
Sa report ni Fire Chief Insp. Marvin Mari, District 5 Commander Bureau of Fire Protection Quezon City, ang mga biktima ay nakilalang sina Heart Angel Uy, residente ng 3 Omega St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City at isang Mark Anthony Baban na kaibigan ng pamilya.
Batay sa imbestigasyon, bandang alas 2:10 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang QC Fire Deparrtment mula kay Michelle Uy, nanay, ng biktimang si Heart hinggil sa nasusunog nilang tahanan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng QC Fire Department at inapula ang apoy bandang 2:51 ng madaling araw.
Pero nang magsagawa ng mopping operation sa natupok na bahay, natagpuan ang sunog na bangkay ng mga biktima sa ikalawang palapag ng nasabing tahanan.
Sa pagsisiyasat, lumalabas na nagsimula ang sunog sa unang palapag ng bahay sa hindi pa malamang dahilan.
Nasa kasarapan umano ng tulog ang pamilya Uy kabilang ang dalawang biktima na nasa ikalawang palapag nang sumiklab ang apoy.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang arson innestigators sa sanhi n sunog.
Apat din ang na-rescue sa sunog.