
Ni Lily Reyes
IPINAGMALAKI ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbaba sa bilang ng naitalang krimen sa lungsod sa nakalipas na linggo.
Ayon kay QCPD Acting District Director Brig. Gen. Redrico Maranan, bumaba sa 19.51% ang index crime rate sa lungsod mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 1, 2023, kumpara sa 41 insidenteng naiulat sa lungsod mula Setyembre18 hanggang 24, 2023. Kabilang sa index crimes ang walong focus crime na theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery, at homicide.
Para kay Maranan, malaking bentahe sa pagbaba ng bilang ng krimen sa nasasakupang distrito ang pinaigting na anti-criminality operations ng QCPD na nakatutok sa enhanced preventive measures — kabilang ang Task Force DART na nagsasagawa ng Oplan Galugad/ Bulabog, at Motorcycle Patrol na nakatutok naman sa crime-prone areas.
Bukod sa crime rate, umakyat rin ang Crime Clearance Efficiency (CCE) sa lungsod sa 80% maging ang Crime Solution Efficiency (CSE), Clearance Efficiency (CCE) sa lungsod sa 80% maging ang Crime Solution Efficiency (CSE).