Ni Lily Reyes
MAHIGIT 20 pamilya ang nawalan ng bahay matapos lamunin ng apoy ang kanilang tahanan sa Topaz St. Doña Rosario Subdivision, Brgy. Novaliches Proper, Novaliches Quezon City.
Sa pahayag ni Barangay Kagawad Precy Biglang-awa, ng Baragay Novaliches Proper, nagsimula ang apoy dakong alas 4 ng hapon at naapula ito bandang 5:30 ng hapon.
Sinabi naman ng ilang nasunugan na umano ay nakarinig sila ng malakas na pagsabog at mabilis na kumalat ang apoy sa kani-kanilang bahay.
Umaabot sa 161 katao kasama na ang mga bata sa naapektuhan ng sunog.
Wala naman iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog. Pansamantala ay ililikas ang mga biktima ng sunog sa cover court ng Doña Rosario Subdivision, habang wala pang matutuluyan ang mga ito.