INARESTO ng mga miyembre ng kooperatiba ang dalawang suspect na sangkot sa paghahagis ng pako sa anim na modern jeepney na hindi sumali sa ‘tigil-pasada’ kahapon, Disyembre 14.|
Ayon sa mga drayber ng modern jeepney na pag-aari ng Taguig Transport Cooperative (TTC), nagdulot ito ng takot sa mga pasahero nang muntik itong maaksidente habang bumabiyahe sa rutang Taguig-Pasig Bagong Bayan.
Kita sa CCTV footage ang pangyayari na agad pinagkakilanlan ng mga suspect.
Umabot sa halos P100,000 ang danyos at kasalukuyan iniimbestigahan ng kapulisan ang inaresto para matukoy ang mga kasabwat at pangalan ng grupo.
Inamin ng mga ito na binigyan lamang sila P100 kapalit ng kanilang ‘trabaho’.