Daybreak police raid – Members Dagupan City police raided the house of a suspected drug personality Wilberto Castro and his live-in partner at Dagupan City, north of Manila on Tuesday. Police search found in his possession are two (2) semi-automatic pistol, a hand grenade, a rocket grenade, sachets of suspected shabu and numerous drug paraphernalia. Police also believe the suspect is a member of a gun-for-hire and may be involved in the shooting of a police officer last year and numerous shooting incident in the province. Dagupan City/Pangasinan//January23,2018//Karl Romano
Ni LILY REYES
PIHADONG karma ang aabutin ng isang 33-anyos na lalaking sa piling ng mga bagong kakosa matapos dakpin ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa pananakit sa 72-anyos na ina sa labas ng kanilang tahanan sa Barangay Sauyo.
Sa ulat na natanggap ni QCPD Director Rederico Maranan, kinilala ang suspek na si Joseph Bravo, 33-anyos, at residente ng Lagkitan Compound, Barangay Sauyo ng nasabing lungsod.
Batay sa imbestigasyon ng QCPD-Talipapa Police Station, dakong alas 4:30 ng hapon nang bugbugin di umano ng suspek ang inang si Erlinda Bravo sa harap ng mga nag-uusyosong kapitbahay.
Sa salaysay ng biktima, kadarating pa lamang niya mula sa barangay hall ng Sauyo kung saan inasikaso ang mga dokumento para sa ayudang pangako ng gobyerno sa mga senior citizens nang sitahin siya ng kanyang anak.
Lubhang ikinagalit di umano ng anak nang hindi agad siya nakasagot nang tanungin kung saan nanggaling.
Dito na umano siya nilapitan ng anak at sinimulang kaladkarin sa labas ng bahay para gulpihin.
Kwento ng ilang saksi, tumigil lang ang pananakit nang mawalan ng malay ang biktimang agad na dinala sa pagamutan.
