Ni LILY REYES
PATULOY na inoobserbahan sa pagamutan ang 18-anyos na binatilyong nagtangkang tapusin ang buhay sa pagtalon sa footbridge sa Barangay Old Balara, Quezon City.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas 8:30 ng gabi nang namataan ang hindi pinangalanang binata na nakatambay sa foodbridge. Ilang saglit pa, tumalon ang biktimang napag-alamang isang out-of-school youth.
Bagamat mabilis na isinugod sa ospital, nananatiling agaw-buhay ang pasyenteng ayon sa mga doktor at nagtamo ng mga sugat, pasa at mga nabaling buto sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa QCPD, nakikipag-ugnayan na sa pamilya ang imbestigador sa hangaring matukoy ang dahilan ng tangakang pagpapatiwakal ng binata.
