Ni ESTONG REYES
KUMPARA sa Philippine National Police (PNP), hindi hamak na mas mabilis ang ipinamalas na aksyon ng Office of the Sergeant-of-Arms ng Senado matapos agad na madakip sa isang operasyon ang tumatayong accountant ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.
Sa ulat ng Senado, agad na isinailalim sa medical check-up si Nancy Gamo na pansamantalang ipiniit sa Senate holding facility sa Pasay City habang hinihintay ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kaugnay ng illegal POGO operations.
Samantala, naglabas ng 24 oras na ultimatum ang Senado para arestuhin ang anim na iba pa, kabilang sina Guo, Dennis Cunanan, at mga kaanak ng kontrobersyal na alkalde na sina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen L. Guo, at Wenyi Lin.
Nakatakda rin maglabas ng subpoena ang komite ni Senador Risa Hontiveros sa iba pang indibidwal para sa susunod na pagdinig sa Hulyo 29.
