ANG mga bangketa sa lungsod ng Maynila, sadyang ginawa para magsilbing daanan ng mga tao — hindi sa para pagtayuan ng pwesto sa pagnenegosyo.
Ito ang iginiit ni Hawkers Manila Police District Raffy Alejandro kaugnay ng patuloy na pagsasagawa ng clearing operation sa kahabaan ng Padre Faura at Pedro Gil — alinsunod sa direktiba ni Manila City Mayor Isko Moreno.
Partikular na tinukoy ni Alejandro ang mga aniya’y ambulant vendors na halos sumakop sa mga daanang sadyang ginawa para tiyakin ang kaligtasan ng mga pedestrian.
Bukod umano sa kaligtasan ng mga pedestrian, marapat lang na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa lungsod.
“Hindi naman bawal magnegosyo… ilagay lang sana natin sa ayos. May mga areas naman kung saan pwede magtinda nang hindi nakakaabala sa mga pedestrian at sa daloy ng trapiko,” ani Alejandro. (BONG SON)
