KASABAY ng pagbaba ng presyo ng commercial rice na binebenta sa merkado, binagsak-presyo na rin ng Department of Agriculture (DA) ang halaga ng well-milled rice sa ilalim ng “Rice-for-All” Program ng pamahalaan.
Ayon kay Assistant Secretary Arnel de Mesa na tumatayong tagapagsalita ng DA, nakatakdang ibenta ng gobyerno sa halagang P38 hanggang P39 kada kilo bigas na dating binebenta sa presyong P40 kada mula sa kasalukuyang P40 kada kilo na bigas sa piling Kadiwa locations sa Metro Manila, gagawin na itong P38 hanggang P39 kada kilo.
“Nagsimula tayo diyan, nagbenta tayo ng P45 per kilo naibaba iyan sa P43.00 at P42.00 at nito nga bago matapos ang taong 2024 ay naibaba pa iyan sa P40.00 per kilo,” wika ni De Mesa.
“At ngayong taon na ito, this January ay ilulunsad naman, mas mababa pa ang presyo – between P38.00 to P39.00 per kilo,” dugtong ng opisyal.
Bukod sa murang well-milled rice, magbebenta rin aniya ang kagawaran ng 100% broken” na bigas sa halagang P35 hanggang P36 kada kilo sa ilalim “Sulit Rice” initiative, habang ang healthier brown rice ay nasa P37 hanggang P38 kada kilo sa ilalim ng “Nutri Rice” program.
