HINDI kainamang signos ang sumalubong sa tatlo katao matapos malagay ang buhay sa peligro bunsod ng insidente ng sunog sa Quezon City sa unang araw ng taon.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sugatan ang tatlong hindi pinangalanang biktima matapos lamunin ng aapoy ang tatlong palapag na gusa sa Kamuning sa nasabing lungsod.
Ayon sa lupon ng pamatay sunog, dakong alas 5:00 ng umaga nang mapansin ng mga residente sa kahabaan ng K-^th Street ang makapal na usok mula sa ikatlong palapag ng gusali.
Pag-amin ng BFP, pahirapan ang pag-apula sa naglalagablab na apoy bunsod ng makipot na daanan. Makalipas ang isang oras, tuluyang naapula ang sunog.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng sunog. (Lily Reyes)
