MATAPOS ang anim na taon, lumabas na ang hatol ng korte laban sa tatlong indibidwal na nasa likod ng smuggling ng hindi bababa sa P1-bilyong halaga ng shabu noong 2019.
Ang sentensya ng husgado — reclusion perpetua laban kina Muktasil Abundol Asimuddin, Emmanuel Paulo Delos Reyes at George Fernandez.
Sa desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 21, napatunayang may mahalagang papel ang tatlong sentensyado sa pagpasok sa bansa ng halos 149 kilo ng shabu na itinago sa loob ng mga aluminum pallet na may lamang sako ng tapioca starch.
Bukod sa habambuhay na pagkakakulong, inatasan din ng korte sina Asimuddin, Delos Reyes at Fernandez magbayad ng multang P50-milyon bawat isa. (JULIET PACOT)
