SA gitna ng mabigat na buhos ng ulan bunsod ng bagyong Crising, bumagsak ang isang dambuhalang billboard sa Quezon City na dahilan para pansamantalang isara sa mga motorista ang southbound lane ng Katipunan Avenue.
Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dakong alas 11:30 kaninang umaga para sa clearing operation hindi kalayuan sa Ateneo de Manila University.
Bukod sa bumagsak na billboard, isang poste rin umano ang lubhang napinsala.
Wala naman naiulat na nasaktan, subalit may ilang pribadong sasakyan ang sinasabing nadaganan ng bumagsak na billboard.
Wala pang pahayag ang kumpanyang may-ari ng bumagsak na billboard. (LILY REYES)
