
SA tindi at lawak ng pagbaha dulot ng magkakasunod ng bagyong sinabayan pa ng walang patid na buhos ng ulan na dala ng habagat, pumalo na sa 207 ang kabuuang kaso ng leptospirosis sa Quezon City.
Sa isang kalatas, hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente na iwasan ang paglusong sa baha matapos dahil na rin sa nakaambang peligro ng leptospirosis.
Sa datos ng pamahalaang lungsod, nasa 207 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng leptospirosis sa Quezon City sa unang pitong buwan ng kasalukuyang taon. Sa naturang bilang 115 ang naitala sa kasagsagan ng mabigat ng buhos ng ulan noong nakalipas na buwan ng Hulyo.
Nasa 24 katao rin umano ang nasawi.
Gayunpaman, nilinaw ng lokal na pamahalaan na hindi hamak na mas kaunti ang naitalang kaso ng leptospirosis sa lungsod ngayong taon.
Pinayuhan naman ang publiko na na-expose sa baha na agad magtungo sa health center para sa libreng konsultasyon. (LILY REYES)