TALIWAS sa “maximum tolerance” na paandar ng Philippine National Police (PNP), kabi-kabilang pag-aresto ang ginawa ng pulisya sa hanay ng mga aktibistang bahagi ng mga kilos-protesta sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pag-amin ng PNP, umabot sa 51 raliyista ang inaresto dahil umano sa iba’t ibang paglabag sa umiiral na batas.
Kapuna-puna na karamihan sa mga dinampot ay sinasabing lumabag sa lokal na ordinansa hinggil sa pagkakalat ng basura.
Subalit nang tanungin ng mga mamamahayag, iginiit ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez na kakasuhan ang mga inaresto dahil sa bandalismo at kawalan umano ng permit mula sa lokal na pamahalaan.
Dinala sa Station 6 ng Quezon City Police District ang mga dinakip na raliyista.
