SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na matindi ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahin kalsada sa National Capital Region (NCR) matapos mamonitor ang karagdagang 15,000 sasakyan sa rush hour.
Ito ang napansin ni MMDA traffic enforcement group director Victor Nuñez sa Edsa at C-5 kahit na nitong weekend.
“Ang latest count namin from two weeks ago ay parang dumagdag po ng 10,000 to 15,000 iyong traffic volume during rush hour especially iyong nakikita nating volume of vehicles along major thoroughfares, EDSA and C-5. Talagang medyo bumigat iyong traffic,” sabi ni Nuñez.
Nauna rito, sinabi ng MMDA na inaasahan na ang karagdagang 20% sa dami ng sasakyang gumagamit ng Edsa sa panahon ng Kapaskuhan.
“Right now, we are at 409,000 (vehicles that passed through EDSA in a day)… pero may mga traffic management plans naman tayo and may mga measures tayong ginawa para mas maging maayos ang daloy ng trapiko,” ayon kay MMDA Assistant Secretary David Angelo Vargas.
Upang malunasan, sinabi ni Nuñez na nagsasagawa na ang mga tauhan ng MMDA personnel ng clearing operation sa Mabuhay Lanes upang matiyak na magagamit ito sa alternative routes sa halip na magdaan pa ang mga motorist sa mga pangunahing lansangan.