Ni Lily Reyes
NAKURYENTE o na “wow mali” ang pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) makaraang i-post sa kanilang Facebook page ang cellphone number ng isang retiradong opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) na sinasabing scammer at naglabas ng babala kaugnay sa isang solicitation.
Sa panayam kay retired Col. Rodel Marcelo, ikinagulat niya ang babala ng NCRPO sa mga solicitation para sa basketball uniform gamit ang kanyang GCash number.
Tila ‘nakuryente’ ang NCRPO dito dahil hindi man lang muna sila nagsagawa ng case build up at beripikasyon bago ibinandera ang cellphone number ni Marcelo sa NCRPO FB Page. Matatandaan na nakatanggap si Marcelo ng solicitation umano ni NCRPO chief Jose Melencio Nartatez, Jr. para sa uniform ng basketball.
Pinaberipika niya ang solicitation at hindi inakala na ang kanyang cellphone number ang tinutukoy ng NCRPO na scammer.
Agad na nagtungo sa anti-cybercrime unit ng QCPD si Marcelo upang ireport ang insidente. Dahil sa sunud-sunod na tawag ng mga dating tropa sa QCPD ay boluntaryong nagtungo si Marcelo sa tanggapan ng R2 sa NCRPO para linisin ang kanyang pangalan.
Ipinalaam din ni Marcelo sa R2 na may suspek na ang QCPD sa tunay na scammer.
Sa follow up operation ng QCPD, ay nadakip ang suspek na si Darell John Green, na isang Nigerian.
Nahaharap sa kasong identity theft at staff sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 ang naarestong suspek.
Tinanggal na ng NCRPO sa kanilang FB page ang public advisory matapos ‘makuryente’ at ma wow mali.