
ARESTADO ang isang Philippine National Police (PNP) official na nauna nang nasangkot sa hit-and-run incident matapos magpaputok ng baril sa labas ng restobar sa Quezon City.
Kinilala ang suspect na si Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong, dating hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU).
Nakatalaga ito sa PNP headquarters’ legal service department, ayon sa nakalap na report.
Sinabi ng QCPD-CIDU na si Abong ay naaresto nang makipag-away sa waiter ng bar at matapos nito ay lumabas ang suspect sa bar at dalawang beses nagpaputok ng baril sa Scout Rallos Street sa Barangay Laging Handa, Quezon City.
Lasing umano ang opisyal at lumikha ng dulo sa loob ng bar.
Nang maaresto, nagkaroon ng tensiyon sa QCPD-CIDU office sa Camp Karingal matapos magtangkang tumakas kahit wala pa itong clearance mula sa PNP.
Mahaharap si Abong ng patung-patong na reklamo tulad ng alarm and scandal, paglabag sa Omnibus Election Code (gun ban), physical injuries at slander.
Sinabi ng QCPD-CIDU na may sapat silang ebidensiya laban kay Abong. “Meron dahil narekober natin yung ginamit na baril sa pagpaputok niya. At the same time meron tayong mga witness na makapagsasabi na siya nga ang nagpaputok,” ayon pa sa official said.
Nanindigan ang QCPD-CIDU na walang special treatment na ibibigay kay Abong.