PAGKATAPOS ng taunang pagsalubong ng bagong taon, agad na ikinasa ng pamahalaang lungsod ang malawakang operasyon para suyurin at linisin ang mga naiwang kalat sa buong Maynila.
Sa isang kalatas, ibinahagi ni Manila City Mayor Isko Moreno ang bentahe ng maagap na paglilinis sa lansangan bago pa man may maaksidente bunsod ng pamumulot ng mga naiwang paputok.
Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng malawakang paglilinis para ibalik ang aliwalas sa lansangan na ginagalawan ng mga mamamayan.
Base sa datos ng Manila Public Information Office, umabot na (as of 8:00 a.m.) sa 956 metric tons (katumbas ng 160 dump trucks) ang nahakot na basura.
Pagtitiyak ng alkalde, magpapatuloy ang paglilinis ng lungsod hangga’t may basura sa kalsada. (JULIET PACOT)
