MATAPOS magpalipat-lipat ng kulungan, muling ibinalik sa kustodiya ng senado ang sinibak na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bisa ng kautusan ng husgado.
Sa desisyon ng Pasay City regional trial court Branch 112, pinaboran ang writ of amparo na inihain ng kampo ni former Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez na humiling sa korte para sa kanyang paglipat sa senate detention facility.
Pag-amin ni Hernandez, siya mismo ang humiling kina Senate President Vicente Sotto III at Blue Ribbon Committee Chair Panfilo Lacson na makabalik sa kustodiya ng senado.
“We appeal for this because today there is renewed faith. Under your leadership… there is an assurance that the Senate will stand not only as a body of discipline but an exemplar of fairness.”
Sa ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee noong Setyembre 8, na-cite in contempt si Hernandez bunsod ng umano’y pagsisinungaling.
Kinabukasan, inilipat si Hernandez sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center matapos ikanta sa pagdinig ng Kamara ang dalawang senador na umano’y dawit sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Pagsapit ng Setyembre 10, muling inilipat si Hernandez sa Pasay City Jail matapos aprubahan ang mosyon sa Senado.
Inaasahan ang muling paghar ni Hernandez sa darating na pagdinig ng Blue Ribbon committee. (ESTONG REYES)
