KALABOSO ang ending ng isang social media personality na nasa likod ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) matapos dakpin sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasig City.
Kinilala ang suspek sa pangalang Franco Mabanta kaugnay ng umano’y tangkang extortion ng P350 milyon mula kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Bukod kay Mabanta, timbog din ang apat na iba pang indibidwal.
Ayon sa NBI, hinihingan umano ni Mabanta si Romualdez ng P350 milyon kapalit ng hindi paglabas ng umano’y video na nag-uugnay sa dating House Speaker sa flood control scandal.
Sa naturang halaga, P75 milyon na umano ang binigay kay Mabanta bilang paunang bayad.
Gayunpaman, hindi na nasundan ang paglilipat-pondo, bagay na ikinagalit ni Mabanta na nagbanta na ilalabas ang sinasabing video sa kanyang social media page na PGMN — kung hindi tutupad si Romualdez sa kasunduan.
Dito na umano nagpasaklolo so Romualdez sa NBI na agad nagkasa ng entrapment operation.
Tikom naman ang bibig ni Mabanta sa nangyaring insidente.
