SA gitna ng patuloy na agresyon ng China sa West Philippine Sea, dumating sa bansa ang dalawang senador mula sa Estados Unidos para dumalo sa isang pulong na naglalayong talakayin ang katatagan ng Indo-Pacific region.
Kabilang sa delegasyon si US Senator Roger Wicker na personal na sinalubong ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Villamor Airbase sa Pasay City. Si Wicker ang punong-abala ng US Senate Armed Services Committee.
Sa isang pahayag, ibinida ni Teodoro ang pagpapaigting ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa usapin ng mutual defense capabilities at pagsusulong ng kapayapaan gayundin ang katatagan sa rehiyon ng Indo-Pasipiko
Kasama ni Sen. Wicker sa delegasyon si Sen. Debra Fischer na sinalubong naman ni US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson. (EDWIN MORENO)
