
IPINAKO ng Department of Agriculture sa P125 kada kilo ang presyo ng mga inangkat na pulang sibuyas sa merkado.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista, nagpasya na ang kagawaran na magtakda ng “suggested retail price” matapos ang isang pagpupulong kasama ang mga kinatawan mula sa mga stakeholders kabilang ang mga importers, traders at retailers.
“Doon po napagkasunduan na irerekomenda ang P125 per kilo for red onions na imported. Ito naman po ay inaprubahan na,” ani Evangelista sa isang panayam.
“Aside from that, we also are linking retailers to wholesalers of imported red onions to inform them of the cost structure we made so that they will be well-guided, for them to be able to negotiate with their suppliers. At the same time, we have identified some suppliers who are willing to sell wholesale to retailers in compliance with the SRP,” dagdag pa ng opisyal.
Kabilang aniya sa mga isinasaalang-alang sa pagtatakda ng P125 SRP para sa imported na pulang sibuyas ay ang kapital ng mga importer, gastos sa pag-angkat at presyo sa antas ng “wholesaler.”
“Nakipag-usap po tayo dun sa mga wholesaler sa Divisoria… so ina-average na lang po natin ‘yan… With that we came up with a price na P125 at ito naman po ay sinang-ayunan ng ating mga retailers,” dagdag pa ni Evangelista.
“Right now, we are looking at NCR, kasi po yong mga identified nating wholesaler ay nandito po sa NCR. We will be talking also to our regional field offices kung pareho rin po ang approach.”