MAS mahigpit na sinturon ang hamon sa mga ordinaryong pamilyang Pilipino matapos aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) petisyon para sa dagdag presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Kabilang sa mga produktong pinahintulutan ng DTI na magtaas ng suggested retail price ang tinapay, delata, instant noodles, gatas, sabon at iba pa.
Para sa tinapay, P2 ang ipinataw na dagdag sa SRP ng Pinoy Tasty, habang P1.50 naman ang itinaas ng paketeng naglalaman ng 10 piraso ng Pinoy Pandesal.
Sa sardinas, pinahintulutan rin ng DTI ang P1.50 dagdag-presyo, habang 50 sentimos naman ang umento sa instant noodles.
Nasa P2.25 naman ang dagdag-presyo sa 300-gram pouch ng powdered milk na nabibili na ngayon sa presyong P95.25 mula sa dating P93, habang P3.60 naman ang ipinataw sa 300-gram na lata ng evaporated milk na nagkakahalaga na ngayon ng P41 mula sa dating P3740.
Hindi rin nagpaiwan ang kape na nagmahal ng P1.45 para sa 28 gram pouch.
Asahan rin ang mas mataas ng presyo ng sabon, kandila at baterya.
“Almost all price increases are 10 percent or less, except candles. The prices of candles did not increase in five years and their prices are still lower compared to others,” pakunswelong pahayag ni Trade Undersecretary Carol Sanchez.