ASAHAN ang panibagong oil price increase isang araw pagkatapos ng taunang State of the Nation Address (SONA) sa Batasan Pambansa ng Pangulo.
Ayon sa pagtataya ng mga oil industry players, maglalaro mula P1.35 hanggang P1.65 ang ipapataw na dagdag-presyo sa kada litro ng gasolinang binebenta sa merkado.
Kabilang rin sa apektado ng dagdag-presyo ang krudo na inaasahang madaragdagang ng 55 sentimos kada litro. Apektado rin sa paggalaw ang kerosene na papatawan ng 80 sentimos sa kada litro.
Katwiran ng mga negosyante sa likod ng mga kumpanya ng langis, kinailangan nilang magpataw ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo bunsod ng desisyon ng Russia at Saudi Arabia na bawasan ang kanilang oil production.