
ISANG linggo matapos magtapyas ng presyo, panibagong oil price hike naman ang ikinasa ng mga kumpanya ng langis sa merkado.
Base sa mga pagtataya ng oil industry players, nakatakdang ipatupad ang dagdag-presyo sa gasolina, krudo at kerosene sa Martes.
Pinakamalaki ang nakikitang pagtaas sa presyo ng krudo – P150 kada litro, habang P1.40 naman ang inaasahang dagdag sa presyo ng kerosene na karaniwang gamit sa pagluluto.
Samantala, nasa 50 sentimos naman ang umento sa bentahan kada litro ng gasolina.