KASTIGO mayor ang inabot ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) sa Kamara, kaugnay ng direktibang ‘centralization’ ng mga kontratang nagkakahalaga ng P50 milyon pataas.
Partikular na tinukoy ni Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang special order na nilagdaan ni Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa atas na i-centralize sa kanyang tanggapan ang bonggang kontrata – kabilang ang pagbili ng mga plastic cards na gamit sa paggawa ng driver’s license na iniisyu ng Land Transportation Office (LTO).
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Transportation, napagbalingan ni Marcoleta si Transportation Undersecretary Kim Robert de Leon.
Ayon sa kongresista, hindi angkop na pakialaman ng pamunuan ng DOTr ang mga kontratang may kinalaman sa LTO – partikular ang P250-million procurement contract para sa mga plastic cards na ginagamit ng LTO sa paglilimbag ng lisensya sa pagmamaneho.
Una nang nagpahayag ng alinlangan si Marcoleta sa kakayahan ng DOTr kumpara sa LTO na aniya’y dapat magpatupd ng naturang proyekto.
Paniwala ng kongresista, sablay si Bautista, kasabay ng paliwanag hinggil sa di umano’y mga ‘legal implications’ na posibleng humantong sa kasong administratibo.
Sa ilalim ng 2023 national budget, LTO aniya dapat ang mangasiwa sa kanilang proyekto.
Binalewala rin ani Marcoleta ng DOTr ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), Republic Act 9184 (Government Procurement Reform Act) at iba pa umiiral na reglamento.
Mungkahi ng mambabatas, bawiin ang special order na naglilipat ng bidding para sa mga proyektong P50 milyon pataas sa Central Bids and Awards Committee ng DOTr.
Karagdagang Balita
DEDMA: WARRANT OF ARREST KASADO VS. 4 OVP OFFICIALS
PAHABOL SA NTF-ELCAC: P7.5M ALOKASYON KADA BARANGAY
PASTOR APOLLO QUIBOLOY, DINALA SA OSPITAL – PNP