
INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatanggal ng rice price cap ngayong Miyerkoles.
Sa panayam, sinabi ni Marcos na ito na marahil ang tamang panahon sa pagtanggal ng price cap dahil namigay na umano ng bigas ang gobyerno.
“Yes, as of today we are lifting the price caps on the rice both for the regular-milled rice and for the well-milled rice,” sabi ni Marcos sa Taguig City.
“So tinatanggal na natin ‘yung mga control. Pero hindi ibig sabihin basta’t ganoon na lang dahil kailangan pa rin natin ayusin ang agricultural sector,” dagdag pa ng Pangulo.
Ayon pa sa Pangulo, sa kabila ng pagtatanggal ng price cap, magpapatuloy pa rin ang gobyerno sa pamimigay ng tulong sa mga magsasaka.
Sa Executive Order 39, ipinatupad ang P41 kada kilo ng regular-milled rice at P45 per kilo naman sa well-milled rice na naging epektibo noong Setyembre 5.
Ang price ceiling ay ipinatupad sa pagtaas ng presyo ng bigas sa lokal na merkado na isinisi sa mga smugglers at hoarders ng agricultural products.
Namahagi rin ang gobyerno ng cash assistance na P15,000 dahil sa epekto ng price ceiling sa mga negosyante.