TATLONG mangingisdang Pinoy ang namatay, kasama ang kapitan ng barko matapos banggain umano ng hindi pa batid na commercial vessel” sa Bajo de Masinloc or Panatag Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon sa inisyal na report ng Philippine Coast Guard (PCG), isang nakaligtas na mangingisda sa fishing boat Dearyn ang nagsabi na binangga ang kanilang mother boat bandang alas-4:30 ng medaling araw noong Lunes habang naghahanda nang mangisda sa shoal.
Lumubog ang mother boat na ikinasawi ng tatlong crew members, kabilang ang kapitan.
Nitong Martes, inireport sa PCG ang insidente.
Nabatid pa na nakaligtas ang 11 pang crew members ng Dearyn. Sakay ng maliliit na life boats ay isinakay nila ang bangkay ng tatlong kasamahan patungong Barangay Cato, Infanta, Pangasinan.