POSIBLENG magkaroon ng pagtaas sa kuryente ngayong Pebrero, ang ikalawang pagtaas sa singil ngayong 2024, ayon sa Manila Eletric Company (Meralco).
“While we have yet to receive all the billings from our suppliers, initial indications show that there may be an upward pressure for electricity bills this month,” sabi ni Joe Zaldarriage, Meralco vice president and head of corporate communications, sa kalatas.
Ang pagtaas sa singil ay bunsod ng koleksiyon ng tariff allowance na makikita sa Energy Regulatory Commission.
Sinabi pa ni Zaldarriaga na ang dagdag sa generation charge ay bunsod din ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo tulad ng imported liquefied natural gas na ginagamit sa mga power plants.
