SA harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin, itinaas na ng wage broad ang minimum wage sa Cagayan Valley, Central Luzon at Soccsksargen ng P30, P40 and P35, epektibo sa Oktubre 16.
Ito ay matapos aprubahan ng regional wage boards noong Set. 21 at suportahan ng National Wages and Productivity Board noong Set. 26.
Itinaas din ang sahod ng mga kasambahay sa Cagayan Valley at Soccsksargen sa P5,000 at P5,500, ayon sa pagkakasunod.
Nasa 682,117 private sector minimum wage earners sa tatlong rehiyon ang makikinabang sa bagong rate habang 1.5 milyon namang iba pang manggagawa ang makikinabang sa umento.
Sa Cagayan Valley nasa P30 dagdag sahod sa minimum wage ang ibibigay sa dalawang hati na P15 sa Oktubre. 16 at April 1 sa susunod na taon.