
WALANG Nipah virus sa bansa base sa kumpirmasyon ng Department of Health sa harap ng mga report ng katulad na sakit sa Cagayan de Oro.
“The DOH officially maintains that there are no Nipah virus cases in the nation,” ayon sa DOH Northern Mindanao office.
Naglabas ng statement ang regional office matapos ang report na ilang guro at estudyante sa Cagaya de Oro school ang nakakuha umano ng Nipah virus.
Ilang eskuwelahan sa Cagayan de Oro City ay nagsuspinde ng klase dahil sa pagdami ng tao na may flu-like symptoms.
“Although there have been instances of both faculty and students here in Cagayan de Oro who are exhibiting the signs and symptoms of the viral illness, it is not yet clear whether a particular virus is to blame,” ayon sa DOH Northern Mindanao.
Sa kabila nito, hinimok ng DOH ang publiko na laging maghugas ng kamay, magsuot ng face mask at umiwas sa mataong lugar kapag may sintomas.
“If you experience symptoms like fever, cough, headache, joint pain, vomiting, and sore throat, visit the closest healthcare facility, seek consultation, and do not self-medicate,” ayon pa sa kalatas.
Ang Nipah virus ay nakapambiktima na ng dalawa katao sa Kerala sa India. Kadalasang nakahahawa ito galing sa hayop patungo sa tao at nakahahawa din ito sakaling may virus na ang kasama.
Kasama sa sintomas ang lagnat, pagsusuka, respiratory infection.