
SA mga nakalipas na panahon, naging makasaysayan ang bawat pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan ang bulilyaso sa gobyerno tinatalupan ng buo at ang mga tiwali halos maihi.
Gayundin sa hanay ng mga tinatawag na resource persons na pinpatawag ng komite para magbigay ng impormasyon hinggil sa nalalaman kaugnay ng alegasyon.
Nang pumutok ang Pharmally scandal sa panahon ng dating Pangulo, kabilang sa mga inanyayahan ng Senado ay isang nagngangalang Rose Nono Lim. Ang totoo, hindi naman siya sikat at lalong hindi dalubhasa – pero sadyang may pera… yayamanin ika nga.
Sa kanyang pagsalang bilang resource person ng Senate Blue Ribbon, ang bawat patawag dinadaluhan gayundin ang tugon sa bawat katanungan – syempre sa abot lang ng kanyang kaalaman.
Ang siste, may ilan sa Blue Ribbon ang hindi natuwa sa bitin niyang tugon. Kaya ang resulta, puro pambabatikos sa kanyang pagkatao.
Gayunpaman, ang lahat naman may hangganan. Fast forward tayo. Natapos ang bangungot na dulot ng pagdinig sa Senado. Ang resulta – nganga! Sa madaling salita, wala.
Halos isang taon makaraan ang bangungot, kumustahin natin si Rose Nono Lin. Kwento ng isang kaibigang taga-Novaliches, mapalad sila sa kalingang handog ng isang pilantropo.
Bakit nga naman hindi, iskolar ng pilantropo ang anak na estudyante. May trabaho na rin ang asawang nasisante. Pati mga kapitbahay na may karamdaman, ina ng laging saklolo ang turing sa babaeng pilantropo – mula daw sa check up, gamutan hanggang sa ganap na malagpasan ang karamdaman, sagot ng pilantropo.
Pero teka, sino nga ba ang tinutukoy niyang pilantropo. Ang kanyang sagot – isang taong kilala sa Novaliches bilang Ate Rose sa nakalipas na tatlong taon.
Unang pumasok sa isip ko si Rosa Rosal ng programang Kapwa Ko, Mahal Ko sa telebisyon. Subalit ng alam ko kasi matagal nang pumanaw si Rosa Rosal kaya inisip ko na lang baka yung anak niyang nagngangalang Toni Rose Gayda na dating host ng noontime show na Eat Bulaga.
Laking gulat ko nang sabihing wala sa dalawa ang Ate Rose na kanyang tinutukoy. Ang negosyanteng si Rose Nono Lin palla na pinasikat ng Senado.
Napabulong tuloy ako… Susmaryosep!
Sa pagpapatuloy ng kwentuhan, ibinahagi sa akin ang kanilang huntahan. Aniya, hindi naman umano masama ang loob ni Ate Rose sa Senate Blue Ribbon. Ang lahat ng stress ni Ate Rose, idinaan na lang sa kawanggawa ng aleng maganda.