ABA mga kumpadre’t kumare, nabalitaan niyo ba yung bangguan kamakailan ng dalawang dambuhalang barko sa laot ng Manila Bay malapit sa Isla ng Corregidor kung saan dalawa katao ang namatay at tatlong iba pa ang nawawala.
Alam kaya ng Dragon Lady na si Amor Virata kung bakit bandera ng Sierra Leone ang binabandera ng MV Hong Hai 189 na bumunggo sa MT Petite Soeur at hindi bandera ng People’s Republic of China?
Sa magkano, este anong dahilan ika ni Paul Gutierrez kaya sa likod ng pagbibigay pahintulot ng Maritime Industry Authority (MARINA) na gamitin ng MV Hong Hai 189 ang bandera ng Sierra Leone imbes na Chinese flag, di ba Jun Burgos?
Baka pwedeng ipaliwanag ni Atty. Hernani Fabia — o dili kaya ng kanyang kanang kamay sa MARINA na si Engr. Nannette Z. Villamor-Dinopol — ang anomalyang tulad nito na kahit maburak at mabaho ang Manila Bay ay lulutang pa rin ang katotohanan.
Ang mga nasawi ay mga Tsinong lulan ng MV Hong Hai 189 at hindi mga Sierra Leonean. Sigurado akong alam ni Idris Elb (isang sikat na artistang napapanood ni Ka Tunying Taverna sa Netflix paminsan-minsan) kung yung mga nasawi ay taga-Sierra Leone o hindi.
Sabi ni Joel Sinloc, ang Hong Hai ay mfa,katagang Mandarin — na ang ibig sabihin ay Red Sea.
Sabi ng ilang Marino, ang isang dredger tulad ng Hong Hai ay ginagamit sa pag reclaim ng lupa sa Manila Bay o kaya sa Philippine West Sea.
Ang problema sa dredging ng buhangin sa dagat o kaya sa bunganga ng ilog, sinisira nito ang ecosystem ng dagat o kaya pinapahina nito ang pundasyon ng ilog kung saan ginawang pag draga ng lupa at lahar sand.