PUSPUSAN na ang ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagpapatupad ng aquaculture practice para maiwasan ang insidente ng fish kill sa mga fish cages dahil sa El Niño.
Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, bantay-sarado na sa ahensta ang posibleng epekto ng panahon sa suplay ng yaman-dagat
Aniya, hindi lahat ng isda ay may kakayahang mabuhay sa mataas na temperatura ng karagatan.
Inihalimbawa ni Escoto ang bangus at tilapia na aniya’may mataas na mortality rate sa tuwing panahon ng tag-init. Taliwas naman di umano ang tuna at sardinas na aniya’y makakatagal sa mainit na temperatura.
Batay sa mga pag-aaral, bumaba ang antas ng dissolved oxygen kasabay ng pagbaba ng lebel ng tubig.
Paliwanag ng BFAR official, higit na kailangan panatilihin ang dissolved oxygen na nagbibigay ginhawa sa paninirahan ng mga nabanggit na aquaculture species.
Pagtitiyak ng BFAR, patuloy ang paglilibot ng mga kawani ng nasabing ahensya para sa pagbabahagi ng angkop na kamalayan sa hanay ng mga mangingisda at fishpen operators.