LAGLAG-pangalan ang modus ng tambalang Hero at Ka Minong na bantog sa lalawigan ng Cavite sa operasyon ng ilegal na saklaan.
Pero sa dami ng gagamiting pangalan, si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla pa ang napusuan isangkalan para hindi galawin ng mga operatiba ang kanilang ilegal na pasugalan.
Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit hindi magawang puksain ni Cavite provincial police chief Col. Dwight Alegre ang nagkalat na pasugalan ni Hero at Ka Minong sa mga bayan ng Mendez, Amadeo at maging sa Cavite City kung saan tiba-tiba ang dalawang damuho.
Pero teka, alam kaya ni Col. Alegre na siya ang pinagmamalaking protektor nina Hero at Ka Minong?
Bukod kay Remulla, dawit din sa laglag-pangalan nina Hero at Ka Minong si Cavite Gov. Athena Tolentino na pamangkin ni reelectionist Senator Francis Tolentino.
Ang masaklap, walang alam ang butihing DILG secretary at gobernador sa raket ng nina Hero at Ka Minong kasama pa ang isang alyas Jojie na pawang operator ng salot na saklaan sa naturang lalawigan. Sa kanilang tatlo, si Jojie lang siguro ang pipitsugin kasi isa lang ang kanyang saklaan – sa Amadeo lang.
But wait there’s more, pagmamalaki ng tatlong itlog, pasok sa buwanang biyaya mula sa kanilang lingguhang kubransa sina Cavite City Mayor Denver Chua, Mendez Mayor Francisco “Cocoy” Mendoza at Amadeo Mayor Redel John Bawalan Dionisio.
Pati nga pangalan nina Amadeo chief of police Maj. Gilbert Derla ng Amadeo, Maj. Ian Jasper Montoya ng Mendez at Lt. Col. Christopher Guste ng Cavite City, pamato na rin ng tatlong monyo.
Bukod sa saklaan, pasok sa negosyo nina Hero at Ka Minong ang STL-con-Jueteng, video-karera, EZ2, bookies, lotteng at pati fuel smuggling sa mga baybaying lokalidad ng lalawigan.
Kilala kaya no Col. Alegre Jun Toto na di umano’y nangongolekta ng lingguhang biyaya para sa Cavite Provincial Police Office?
Si Ka Minong na kilala rin sa alyas na Nardong Putok (hindi Nardong Putik ha), lider di umano ng mga Remulla.
Oops, bigla kong naalala… di ba may warrant of arrest si Ka Minong sa kasong murder?
