HELLO mga suki, long time, no look tayo. Mahabang panahon ang nawala simula nang tumiklop ang ilang pahayagang dati natin na pinagsusulatan ng ating kolum na pinamagatang PASO DOBLE.
Well, magsisimula ulit tayo upang suriin, himayin, tasahin at ungkatin natin ang sistemang nagpapahirap sa lahat partikular ang mahihirap at walang depensa sa buhay, kumbaga vulnerable sector.
Ilalaan natin ang kolum na nito upang itama ang makikita natin na mali, ngunit pupurihin naman ang tamang landas na ipinatutupad sa ating sistema, pribado man o pampubliko, basta hagip ng public interest.
Hindi naman kasi porke’t kolum, banat lang nang banat sa maling sistema sa lahat ng larangan na ating itatama upang maituwid ang pagkakamali at makatulong sa pamumuhay ng lahat at maayos ang takbo ng ating lipunan.
Kailangan din naman papurihan o pasalamatan ang sinuman, indibiduwal, institusiyon o pangkaraning Juan Dela Cruz na tumutulong at nagpupunyagi upang gumanda at maayos ang ating pamumuhay.
Sasakupin natin ang lahat ng larangan partikular ang lahat ng bagay na makakaapekto sa ating pamumuhay kabilang dito ang patakaran, saliwang batas, makukupad na serbisyo, maling pamamaraan o pamamalakad sa alinmang tanggapan o ahensiya ng pamahalaan.
Wala tayong sisinuhin dito, basta mali, mali. Basta tama, tama.
Layunin natin na ipaalam sa lahat ang tamang pamamaraan, sistema at itama ang maling pamamalakad, patakaran at kalakaran na nagpapahirap sa pangkaraniwang Filipno.
Alam naman natin sa ating lipunan, lubhang agrabiyado ang mahihirap, lalo na’t laganap ang maling impormasyon kabilang ang false at fake news, misinformation, disinformation at kapos sa impormasyon.
Kaya sisimulan natin ang malayang talakayan, makabuluhang pag-aanalisa at nakabubuting pagpuna nang walang kinikilang, kahit anong kulay ng inyong pananaw, wag talaga iyong sadyang ayaw tumanggap ng pagkakamali, iginiit pa ang sistemang nagpapahirap at nagbibigay sa atin ng pagkakataon na mabulid sa siwang ng katangahan.
Anuman suhestiyon, mungkahi at pananaw, maaari kayong magpadala ng iyong saloobin sa kolum na ito.
nice, abangan